𝙎𝙀𝙉𝘼𝙏𝙊𝙍 𝘽𝙊𝙉𝙂 𝙂𝙊, 𝙋𝙀𝙍𝙎𝙊𝙉𝘼𝙇 𝙉𝘼 𝙉𝘼𝙆𝙄𝙄𝙎𝘼 𝙎𝘼 𝘽𝙇𝙀𝙎𝙎𝙄𝙉𝙂 𝘼𝙏 𝙄𝙉𝘼𝙐𝙂𝙐𝙍𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙉𝙂 𝙎𝙐𝙋𝙀𝙍 𝙃𝙀𝘼𝙇𝙏𝙃 𝘾𝙀𝙉𝙏𝙀𝙍 𝙎𝘼 𝙈𝘼𝘾𝙊, 𝘿𝘼𝙑𝘼𝙊 𝘿𝙀 𝙊𝙍𝙊
Personal na nagtungo si Senator Bong Go para sa blessing at inauguration ng bagong Super Health Center sa Barangay Pangi sa Maco, Davao de Oro, bilang bahagi ng kanyang patuloy na pagsusulong ng mas pinalakas na serbisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino. Nakasama niya sina Vice Governor Dorothy Gonzaga, Mayor Arthur Carlos Rimando, Vice Mayor Alvera Veronica Rimando at mga konsehal ng bayan.
Binigyang-diin ni Senator Bong Go ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga pasilidad na naglalapit ng pangunahing serbisyong medikal sa mga mamamayan, lalo na sa mga lugar na malayo sa mga ospital.
Patuloy niyang isinusulong ang mga programang naglalayong gawing mas accessible, mas abot-kaya, at mas maayos ang serbisyong pangkalusugan para sa bawat Pilipino.
No Comments Yet...